Sunday, March 18, 2012

Isda't Kabibe [Chapter 1]




"First Day ng Klase"

-----------------------------------------------------------------
Hindi po ito tungkol sa SEAFOODS. Baka kasi mag-crave kayo, 'wag ganun. Hahaha. Kwento po ito ng magkaibigang sina Yori at Ej. 
-----------------------------------------------------------------

Ako po si Ej Fernandez. 5'1 pa sa ngayon pero tataas din. Nanggaling sa angkan ng mga matatapang at may pinagmamalaking kayamanan(weh?). Basta 'wag nang kumontra. Nakatira sa simpleng bahay at may simpleng pamumuhay.Dose anyos ako ng lumuwas kami sa probinsiya para mag-aral at para lumayo sa mga palautang naming mga kamag-anak. Bakit sila palautang? Wala lang magawa sa buhay. Naalala ko pa nga sinabi ni inay na, "Pag-maghighschool ka lalayo tayo rito". Pinangatawanan nga ni inay 'yon kaya ngayon nasa malikot at magulong siyudad na kami ng Cebu.

Linggo noon, bising-busy sa mga dadalhing libro ko bukas. Naninibago na ako ngayon sa paligid ko kahit lumaki't nagkamuwang ako sa siyudad. Kasi ikaw ba naman ang mawala dito ng apat na taon hindi ka kaya manibago lalo na't marami ang nabago sa kinalakihan mong lupa. Well, hindi mo ako masisisi.

UMAGA na, dali-dali kaming naligo ng kapatid ko. Kumain at nagdamit pang-eskwela na kami at nagpaharurot sa papupuntahan namin. Maraming bilin si inay, hindi ko nga naalala ang iba. Basta ang importante nasa tamang building lang ako, ay okay na ako dun. Unang-una kong ginawa pag-abot namin sa destinasyon ay itinuro ko sa hindi nakakasalitang yaya ng kapatid ko kung saan ang room nito na dapat puntahan. Tapos, pumunta na ako sa highschool building.


Siksikan sa third floor, madami kasing first year students na galing sa iba't-ibang eskwelahan. Gaya ko nangangapa pa sila o hindi nila alam ang room assignment o ang eksaktong lokasyon nito. Ako, confident na confident kasi i-base ko nalang daw sa study load ko( kahit hindi ko pa naiintindihan ang sched. ng klase at mga laman nito). Think positive nalang ako na mahanap ko ung room ko.

Binasa ko ulit ang study load ko. "FLD daw room ko. GD naman ang section ko. Anong ibig sabihin ng GD?" nsabi ko sa sarili ko. Lumagpas na ako sa 3rd flr. kakahanap sa "FLD" na room. Sa kasamaang palad, hindi ko siya nakita. May nahagip ang mata ko, isang pamilyar na mukha na sigurado akong taga-probinsiya kung saan ako nagtapos ng elementarya ko. Si Lynbert, ang schoolmate ko na may gusto sa classmate ko. Magkakilala naman kami kaya nagpalitan kami ng bati.

"Uy Ej, musta? Dito ka rin pala magsesekundarya?." Anas niya.

"Ahh.. Oo dito kaso di ko pa alam san ako pupunta." 

"Ganun ba kamo. Magtanung ka sa gurong yaon oh. Yung may kausap na lalaki, alam niya kung saang room ka."

"Sige," nagpaalam na ako sa kanya at pati din siya. 

Pumunta ako malapit sa guro na may kausap. May kausap itong binatang lalaki na kaedad ko lang at nagtatanong sa isang guro kung nasaan ang room na "FLD". Nakinig lang muna ako sa usapan nila. At ng makatiempo,  nakisali ako sa usapan kasi nalaman ko na pareha pala kami ng section.

"Ma'am nasaan po ba tong room namin?" sabi nung lalaki sabay turo sa handwritten study load niya.

"Ay Field ito, iho. Kaso wala pa daw pasok ang morning sched. ng magwhowhole-day ngayong mga estudyante. Sabi ng supervisor namin balik nalang kayo sa hapon." Sagot ng guro.

Nagpasalamat ako at pati yung lalaki sa guro at nagkasabay kami papanaog sa building ng lalaking iyon.

"Ang gulo pala nitong eskwelahang ito no?" sabi niya sa akin.

"Oo nga eh, wala pang abiso na wala pala tayong pasok sa umaga." sagot ko.

"Sige, paalam, kita na lang tayo ngayong hapon" Sabi niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ko't umalis na siya. Ako naman pumunta sa study hall ng kapatid ko upang doon samahan ang yaya ng kapatid ko. Pagdating ko sa study hall ay sinagot ko iyong tanong ni Maria, yaya ng kapatid ko, na kung bakit daw ako hindi pumasok(siempre thru sign language kahit di ako expert) .

Sa study hall, wala akong ginawang iba kundi umupo. Wala din naman akong makakausap kasi hindi ko kilala ang mga taong nandoon. Pero, may isang ale, na katabi ko lang, na nagtanong sa akin pareha ng tanong ni Maria kaya may nakausap ako kahit sandali.

"Dong, wala ka bang pasok ngayon?"

"Wala po eh, hapon pa kasi daw iyong pasok ko. Napaaga kaya ngayon nandito ako."

"Ah ganun ba, wala bang inay o itay mo dito?"

"Wala din po. Kasama ko lang po iyong yaya ng kapatid ko."

"Independent ka na pala iho. Mabuti. Sige patuloy mo na iyong pagpapahinga mo."

Tumango na lang ako. Lumayas na iyong ale, nasabi ko sa isip ko "Susme, si ale inistorbo ung pagmumuni-muni ko." Pagkatapos nun, pinilit kong matulog kahit gustong dumilat ng mga mata ko at ang ingay-ingay nga paligid ko.

No comments:

Post a Comment